Kagawad patay, pulis sugatan sa barilan | Bandera

Kagawad patay, pulis sugatan sa barilan

John Roson |November 10,2018
facebook
share this

Kagawad patay, pulis sugatan sa barilan

John Roson - November 10, 2018 - 05:52 PM

NAPATAY ng mga pulis ang isang barangay kagawad ng Alimodian, Iloilo, Biyernes ng hapon, matapos niya umanong barilin at masugatan ang isang kapwa nila alagad ng batas.

Napatay si Ritchel Misare, kagawad ng Brgy. Pianda-an, nang manlaban sa mga pulis na tumigis sa kanya, sabi ni Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Western Visayas regional police.

Bago ito, dakong alas-2 ng hapon, binaril ni Misare si PO3 Jonathan Guzman sa naturang barangay, ani Malong.

Nagsagawa si Guzman ng surveillance operation laban sa kagawad at nang pabalik na sa istasyo’y pinaputukan ng huli at tinamaan sa kaliwang hita, aniya.

Dahil dito’y nagpakalat ng tauhan ang Alimodian Police, Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion, at iba pang police unit para hanapin ang suspek.

Natunton si Misare sa Brgy. Pianda-an East, naa bahagi ng katabing bayan ng Maasin, ngunit nang makita niya ang mga pulis ay bigla siyang bumunot ng baril at nagpaputok, ani Malong.

Narekober sa suspek ang isang kalibre-.9mm pistola na may tatlo pang bala, habang nakuha sa pinangyarihan ang isang kal.-.9mm basyo at dalawang basyo ng M16 rifle. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending