Horoscope, November 10, 2018 | Bandera

Horoscope, November 10, 2018

Madam Sophia |November 10,2018
facebook
share this

Horoscope, November 10, 2018

Madam Sophia - November 10, 2018 - 02:31 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Tubig ang mahiwaga mong elemento. Mag lagay ng aquarium sa sala ng bahay upang mas madali mahigop ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, tuloy ang mainit na pakikipag-relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 2, 11, 23, 31, 37, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at lilac ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Wag magpa-apekto sa nangyayaring hindi maganda sa iyong kapaligiran. Tandaang may iisa ka lang na layunin – ang yumaman. Sa pag-ibig, ngayon pa lang paghandaan na ang ireregalo sa kasuyo sa darating na kapaskuhan. Mapalad ang 3, 12, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Secunda.” Beige at purple ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Ang iba’t- ibang bahagi ng iyong pagkatao ay dapat gumana. Gamitin ang ispiritual na kapangyarihan. Sa pag-ibig at pinansyal, habang napapalapit ka kay Lord lalo ka namang susuwertehin sa pera at sa pag-ibig tuloy-tuloy ka na ring magiging maligaya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agne-Aum-Manu.” Pink at violet ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Panahon na upang disiplinahin ang sarili. Ipatupad ang matagal na balak na pag-e-ehersisyo. Ang magandang pangangatawan ay kailangang mapanatili upang hindi iwanan ng kasuyong Libra. Mapalad ang 1, 5, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Lalong uunlad kung aalis muna sa iyong comfort zone. Sa pakikipagsapalaran, mas malaking tagumpay ang makakamit. Sa pag-ibig, wag mahiyang yayain ang kasuyo sa isang romantikong date na malapit sa nature. Mapalad ang 7, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Wag pagtiisan ang kasalukuyang sitwasyong hindi ka naman masaya. Hanggang kailan mo ba lolokohin ang iyong sarili? Sa pinansyal, unti-unti mo ng mare-realize na wala din pa lang kuwenta ang salapi kung wala sa iyong nagmamahal. Mapalad ang 4, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Orange at gray ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kung bibigyang katuparan lamang ng tulad mong Virgo ang kanyang mga iniisip mas madalii kang uunlad. Sa pag-ibig, isang Libra ang lihim na may pagtingin sa iyo sa piling din ng Libra ito ikaw ay magiging maligaya. Mapalad ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Silver at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Mababawasan ang stress at ang init ng ulo, kung yayain ang kasuyo sa isang paglalakbay. Panahon na upang mag-unwind. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Yellow at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Anumang hamon ang dumating, siguradong makakaisip ka ng isang malikhaing solusyon. Sa pera, kahit kinakapos, maaabsuwelto rin ang problema sa tulong ng isang kaibigang Taurus. Mapalad ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi dapat tanggihan ang isang imbitasyon sa pag-aabroad. Pagkakataon na upang umunlad. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan muna ang mga negatibong inuugali ng kasuyo, magbabago din siya pagsapit ng Disyembre. Mapalad ang 3, 27, 30, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag gamitin ang iyong galing sa panlalamang, sa halip, sa mabuting pakikitungo sa kapwa at pagiging tapat dalawang bagay ang aanihin: “Maligayang relasyon at dagdag na kita.” Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Dustha.” Red at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Higit kang uunlad at kikita ng maraming halaga kung gagamitin ang iyong pagiging unique. Sa pag-ibig, gamitan ng ibang istilo ng romansa ang kasuyo upang hindi na siya sa iyo bumitiw. Mapalad ang 5, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Gold at gray ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi ka pa ba sinusuwerte? Ayaw mo kasing magsuot ng golden yellow na damit. Sa nasabing kasuutan, makikita mo, dagdag na salapi at masarap na romansa ang iyong makakamit. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Sukadeva-Om-Mantra.” Bukod sa golden yellow mapalad din ang green.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending