Sigaw ng Dabarkads: Ibalik si Sarah sa 'Bulaga' | Bandera

Sigaw ng Dabarkads: Ibalik si Sarah sa ‘Bulaga’

Jun Nardo |November 10,2018
facebook
share this

Sigaw ng Dabarkads: Ibalik si Sarah sa ‘Bulaga’

Jun Nardo - November 10, 2018 - 12:30 AM

SARAH LAHBATI

MALAKAS ang panawagan ng netizens na pabalikin daw si Sarah Lahbati sa Eat Bulaga.

Umingay muli ang pangalan niya nang kunin siyang guest co-host ng noontime show dahil naging visible na nga uli sa TV ang partner ni Richard Gutierrez.

Nang isahog siya kina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros sa Juan For All! All For Juan segment sa barangay, nag-swak din siya sa dalawa.

Hindi kami nakakapanood ng EB recently kaya nagulat kami nang sunud-sunod ang panawagan ng followers ni Sarah na pabalikin na siya sa Eat Bulaga.

Eh, nang may magtanong kay Sarah sa Twitter kung babalik pa ba siya sa noontime show ng GMA, ang naging reply niya ay, “Aw…Hindi ko pa alam,” na sinamahan niya ng heart at praying emoticons.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending