'Hindi matatapos sa Victor Magtanggol ang career ni Alden!' | Bandera

‘Hindi matatapos sa Victor Magtanggol ang career ni Alden!’

Cristy Fermin |November 10,2018
facebook
share this

‘Hindi matatapos sa Victor Magtanggol ang career ni Alden!’

Cristy Fermin - November 10, 2018 - 12:15 AM

ALDEN RICHARDS

HANGGANG  sa November 16 na lang ang pinagbibidahang action serye ng Pambansang Bae na si Alden Richards. Tumakbo lang nang three months o one season ang palabas.

Dahil sa maigsing panahon ng serye ay inuupakan ngayon ang binatang aktor, iniinsulto siya, ‘yun daw ba ang seryeng sumumpa nu’n na magpapadapa sa Ang Probinsyano ni Coco Martin?

Sino raw ngayon ang nakatakda nang sumuko? Namamayagpag pa rin ang programa ni Coco pero magsasarado na ang libro ng kuwento ni Victor Magtanggol.

Nasubaybayan namin ang mga pahayag ni Alden Richards nu’ng malapit nang ipalabas ang kanyang serye. Kahit minsan ay hindi namin siya naringgan na kahit anong kayabangan. Wala siyang sinabing padadapain ng Victor Magtanggol ang serye ni Coco.

Kahit nga pinipilit na siyang magbitiw nu’n ng mga salitang pagsisimulan ng intriga sa pagitan nila ni Coco ay umiwas si Alden. Marunong siyang rumespeto.

Ang kabaitan ni Alden ay likas, hindi pakitang-tao lang, naturalesa na talaga ni Alden ang pagiging mapagkumbaba.

Magpaalam man ang kanyang serye ay hindi pa rin siya matatawag na talunan.

Ang maipangtapat ng kanyang network sa isang tulad ni Coco Martin na tatlong taon nang bumibida sa matagumpay nitong serye ay isang malaking karangalan na.

Hindi nagwawakas ang popularidad ni Alden Richards sa pamamaalam sa himpapawid ng kanyang serye. Marami pang nakalaan para sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending