Maangas na radio-tv personality laos na, walang ginawa kundi mangnega sa socmed | Bandera

Maangas na radio-tv personality laos na, walang ginawa kundi mangnega sa socmed

Cristy Fermin |November 10,2018
facebook
share this

Maangas na radio-tv personality laos na, walang ginawa kundi mangnega sa socmed

Cristy Fermin - November 10, 2018 - 12:15 AM


LA Ocean Deep kung tawagin ngayon ng marami ang isang dating bruskong male personality ng radyo at telebisyon.

Ang ibig sabihin nu’n ay laos, lipas na ang panahon, wala nang ningning ang bituin.

Dahil sa kawalan niya ng pagkakaabalahan ay napakahilig manghimasok ngayon ng male personality na ito sa buhay ng may buhay. Bigay siya nang bigay ng opinyon na kinokontra naman ng ating mga kababayan.

Sabi ng aming source, “Maupo na lang kasi siya sa silyang tumba-tumba, ‘no! Magpahinga na lang siya, manahimik na lang siya, dahil tapos na tapos na ang panahon niya!

“Kung nu’n, e, kinatatakutan ang mga sinasabi niya sa ere, kung nu’n, e, pinakikinggan pa ang mga opinyon niya, ngayon, e, waley na siya!” naiinis na komento ng aming chikadorang impormante.

Ganu’n nga siguro kapag wala nang ginagawa ang isang taong dati’y sanay na sanay magtrabaho, kahit ano na lang ay pinapansin niya, pinakikialaman niya.

“Napaka-active niya ngayon sa social media. Kapag may napansin siya, uupakan na niya agad. Kung nu’n, e, mahalaga ang mga sinasabi niya tungkol sa kung anu-anong isyu, ngayon, e, wala nang naniniwala sa kanya.

“Kasi naman, nagpabaya rin siya sa magandang takbo ng career niya, may kaangasan ang taong ‘yun, maraming hinahanap, maraming inirereklamo!

“Di nga ba, pati ang long time partner niya, e, nakalaban din niya? Naghahanap pa ba siya ng lugar ngayon, e, tapos na tapos na talaga ang panahon niya!

“Kundi siya nagmaangas nu’n, kundi nauna ang yabang niya, e, di sana, may lugar pa rin siya sa radyo at TV ngayon? Kaso, lahat na lang kasi, e, kinokontra niya!

“Lahat, kinakalaban niya, kasi nga, ang feeling niya, e, siya na ang pinakamatalinong broadcaster sa balat ng lupa! Ano ang napala niya, e, di ang pagsu-swimming sa La Ocean Deep!” madiin pang pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sino ang radio-TV personality na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending