Ken Chan sa amang may stage 2 cancer: Lumalaban siya…

By Jun Nardo November 09,2018
share this

Ken Chan sa amang may stage 2 cancer: Lumalaban siya…

By Jun Nardo November 09,2018
share this

Si Ken Chan kasama ang tatay habang naka-confine sa ospital

Masayang ibinalita ng My Special Tatay lead actor na si Ken Chan na bumubuti na ang kundisyon ng kanyang ama na na-diagnose ng stage 2 esophageal cancer.

“He’s getting better. Awa ng Diyos, hindi siya nagsusuka nang malala. ‘Di ba kapag nagki-chemo, nagsusuka, walang gana kumain pero siya ganado siya. Lumalaban siya, pinipilit niyang kumain, at saka ang tanging lakas niya talaga is my special tatay,” lahad ni Ken sa panayam ng GMA.

“Alam mo ‘yung Papa ko, kapag nasa ospital ako, natatawa ko sa kanya kasi tatangungin niya kagad, kamusta ratings mo?” Happy siya kapag nalalaman niya na maganda ‘yung ratings ng My Special Tatay.

‘Yun ‘yung lakas niya, kasi alam n’ya talaga pangarap ko ‘to,” kuwento pa ni Ken.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending