Tony Labrusca instant sex object ng mga beki

By Ambet Nabus November 09,2018
share this

Tony Labrusca instant sex object ng mga beki

By Ambet Nabus November 09,2018
share this

ANGEL AQUINO AT TONY LABRUSCA

Grabe! Pero parami nang parami ang mga girls at beki na nag-iilusyong makalaplapan si Tony Labrusca.

Sa pinag-uusapang trailer ng “Glorious” na idinirek ni klasmeyt Connie Macatuno, umabot na sa milyun-milyong views, shares and reactions ang mga nakakalokang eksena nina Tony at Angel Aquino.

Tungkol sa May-December love story ang kauna-unahang digital movie ng Dreamscape Entertainment na sinasabing magsisimula ng kakaibang trend sa IWantTV.

Digital release ito at sa may mga subscription lang sa naturang site mapapanood, pero ang dating at buhos ng reaksyon nito ay tatalunin ang isang mainstream movie.

At dahil nga rito, biglang naging instant “sex object” si Tony na sadya namang nag-uumapaw ang tindi ng “pagkalalaki” sa screen.

Sa nasabing laplapan ng dila nila ni Angel, marami tuloy ang inggit na inggit sa de-kalibreng aktres, kasama na kami riyan. Ha-hahahahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending