P18B utang para sa rehabilitasyon ng MRT3 nilagdaan na | Bandera

P18B utang para sa rehabilitasyon ng MRT3 nilagdaan na

Leifbilly Begas - November 08, 2018 - 06:38 PM

NILAGDAAN ang loan agreement para sa rehabilitasyon ng Metro Rail Transit 3.

Ito ay matapos ang ceremonial signing ng Exchange of Notes for the MRT-3 Rehabilitation Project sa pagitan ng Department of Foreign Affairs at Japan International Cooperation Agency noong Miyerkules.

Alinsunod sa kasunduan, ang Japanese company na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries ang mangangasiwa sa maintenance at rehabilitation ng MRT 3.

Mangungutang ang gobyerno ng P18 bilyon sa Japan para sa pagsasaayos ng 72 Light Rail Vehicles at pagbabalik ng MRT 3 sa design capacity and reliability nito.

Papalitan din ang mga riles, power supply system, overhead catenary system, CCTV system, radio and public address system, signaling system, road-rail vehicles, depot equipment, elevators at escalators, at iba pang kagamitan sa mga istasyon.

Habang inaayos ay hindi ititigil ang operasyon ng MRT3 kaya tatagal ang rehabilitasyon ng 26 na buwan. Ang general overhaul naman ng 72 LRV ay matatapos sa loob ng 43 buwan.

Samantala, isang linggo ng ginagamit ng MRT ang isang set ng Dalian train na mayroong tatlong bagon. Ang bawat train set ay kayang magsakay ng 1,182 pasahero.

Bumibiyahe ito mula alas-9 ng umaga hanggang 3 ng hapon. Kailangang makompleto ng Dalian train ang 150 oras na pagtakbo sa riles bago ito tuluyang ipapasok sa sistema.

Binili ng Aquino administration ang 48 bagon sa CRRC Dalian Co. Ltd. subalit nakuwestyon ang kaligtasan nito kaya hindi nagamit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending