HAHATULAN na si dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., ng Sandiganbayan First Division sa kasong plunder na kinakaharap nito sa Disyembre 7.
Ito ang unang kaso na magagawaran ng hatol mula sa mga kasong isinampa kaugnay ng pork barrel fund scam.
Nakasaad sa supplemental order na pirmado nina Sandiganbayan Justices Efren Dela Cruz, Geraldine Faith Econg, at Edgardo Caldona na gaganapin ang pagbasa ng hatol alas-8:30 ng umaga.
Ayon sa kaso si Revilla at kanyang mga kapwa akusado ay nagkamal ng yaman sa P224.5 milyon mula sa pork barrel na napunta sa mga non-government organization ni Janet Lim Napoles.
Si Revilla ay nakakulong sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.