Gretchen Fullido biglang nagbago ng image, humaba na ang damit, wala nang pa-boobs

By Cristy Fermin November 08,2018
share this

Gretchen Fullido biglang nagbago ng image, humaba na ang damit, wala nang pa-boobs

By Cristy Fermin November 08,2018
share this


MARAMING nakikibalita sa amin kung ano na ang nangyari sa mga kasong isinampa ng segment host ng TV Patrol na si Gretchen Fullido laban sa kanyang mga dating boss sa News department ng ABS-CBN.

Sa pagkakaalam namin ay nasa piskalya pa ang mga asunto, wala pang lumalabas na resolusyon, nagpapalitan pa lang sila ng sinumpaang-salaysay ng kanyang mga dating tagapamuno.

Basta ang nakikita lang naming ebidensiya ay binago na ng dalaga ang porma ng kanyang pananamit.

Hindi na kinakapos ang tela, natatakpan na ang kanyang mga dibdib at may kahabaan na rin ang kanyang damit, kabaligtaran ng kanyang nasanayan nu’n.

Kailangang baguhin ni Gretchen ang kanyang pakete, hindi kapani-paniwala ang mga kasong isinampa niya kung makikita pa rin siyang halos nakahubad na sa harap ng mga camera, lalo na’t ginagawa siyang pulutan sa social media.

Sigaw ni Gretchen ay binastos-binaboy raw siya ng mga dating boss niyang tibo, hindi magiging kapani-paniwala ‘yun kung dating porma pa rin ang makikita sa kanya ng publiko, maigsing damit na ang kanyang mga dibdib ay halos lumuwa na sa pagkabuyangyang.

Hinihintay na ng marami ang magiging resulta ng pagdedemanda ni Gretchen Fullido, magkaroon kaya ng saysay ang asuntong sexual harassment na pinagtatalunan nila ngayon sa piskalya, maipanalo kaya niya sa unang sultada ang kaso o mapapahiya lang siya?

Ang tagapagbalita tungkol sa mga artista ay nasa gitna ng balita ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending