Ika-3 diretsong panalo target ng Petron Blaze Spikers | Bandera

Ika-3 diretsong panalo target ng Petron Blaze Spikers

Melvin Sarangay - November 07, 2018 - 11:04 PM

Mga Laro Huwebes (November 8)
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. F2 Logistics vs Cocolife
4:15 p.m. Sta. Lucia vs Foton
7 p.m. Petron vs Smart
Team Standings: Petron (2-0); F2 Logistics (2-0); Foton (2-0); Smart (1-0); Cignal (1-2); Generika-Ayala (0-2); Cocolife (0-2); Sta. Lucia (0-2)

MAKUHA ang ikatlong sunod na panalo ang puntirya ng nagtatanggol na kampeong Petron Blaze Spikers sa pagsagupa nito sa Smart Giga Hitters sa eksplosibong triple-header ng 2018 Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference ngayong Huwebes sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Magsasalpukan ganap na alas-7 ng gabi ang Blaze Spikers at Giga Hitters sa prestihiyosong women’s club tournament na suportado ng Isuzu, Sogo, Senoh, Asics, Mikasa, Mueller, UCPB Gen at Bizooku katuwang ang Genius Sports bilang technical partner.

Maliban sa Petron asinta rin ng F2 Logistics Cargo Movers at Foton Tornadoes Blue Energy ang ikatlong diretsong panalo.

Makakatapat ng Cargo Movers ang Cocolife Asset Managers sa unang laro dakong alas-2 ng hapon habang makakasagupa ng Tornadoes ang Sta. Lucia Lady Realtors sa alas-4:15 ng hapon sa ikalawang laro.

Manggagaling ang Blaze Spikers sa dominanteng panalo noong Martes kontra Generika-Ayala Life Savers, 25-18, 25-22, 25-13, para makubra ang ikalawang panalo.

Nanguna para sa Petron si Aiza Maizo-Pontillas na nagtala ng 11 puntos habang ang mga middle blocker na sina Remy Palma at Mika Reyes ay nagdagdag ng siyam at pitong puntos para sa Blaze Spikers, na inaasahang magtatrabaho ng husto laban sa Giga Hitters.

Magmumula naman ang Giga Hitters sa pagwawagi kontra Lady Realtors, 25-20, 25-19, 25-23, sa kanilang unang laro.

Pamumunuan nina Gretchel Soltones, Aiko Urdas at Jasmine Nabor ang Giga Hitters na sasandalan ang matinding depensa at atake.
Inaasahan na mapapalaban ang Smart laban sa Petron, na isa sa pinakamahusay na koponan sa liga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending