JM kapit na kapit pa rin sa ‘relasyon’ nila ni Angelica | Bandera

JM kapit na kapit pa rin sa ‘relasyon’ nila ni Angelica

Jun Nardo |November 06,2018
facebook
share this

JM kapit na kapit pa rin sa ‘relasyon’ nila ni Angelica

Jun Nardo - November 06, 2018 - 12:15 AM

PUMORMA lang si JM de Guzman kay Angelica Panganiban pero hindi sila nagkaroon ng relasyon.
Nananatili silang magkaibigan kahit na nga malabo pa kung magsasama sila uli sa movie after ng blockbuster movie nilang “That Thing Called Tadhana.”
Kahit bihirang magkita, bumati pa rin si JM sa birthday ni Angelica sa pamamagitan ng kanyang Instagram. Meaning, kapit na kapit pa rin ang aktor sa special friendship nila ni Angelica.
“Para sa napakabait at husay na tao. Happy birthday tols @iamangelicap,” caption ni JM. Tugon naman ng aktres, “Ay!!! May bala ka jan bata?! Salamat. Hindi ka nakakalimot. Kwentuhan pag uwi namin brad @1migueldeguzman.”
Kahit nasa Japan naman ang kaibigan niyang si Glaiza de Castro, nagpaabot din siya ng mensahe sa IG photo nilang dalawa habang nasa ibang bansa.
Inilabas naman ni Kim Chiu ang isang video bilang pagbati kay Angelica na nagsasayaw silang tatlo ni Bela Padilla. “IBA Ka DITO MOMS!!! Level up ka! Ha! Ha! Ha! Salamat sa pagpapatawa mo sa amin momsy! Lav yeahhh!!!” bahagi ng pagbati ni Kim.
Eh, masaya naman ngayon si Angelica sa piling ng kaibigang si Carlo Aquino kaya naman siguradong tapos na ang panahong nganga siya sa pagmamahal, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending