Female celeb type makisawsaw sa lovelife ng ex-BF na aktor | Bandera

Female celeb type makisawsaw sa lovelife ng ex-BF na aktor

Cristy Fermin |November 06,2018
facebook
share this

Female celeb type makisawsaw sa lovelife ng ex-BF na aktor

Cristy Fermin - November 06, 2018 - 12:15 AM

ISANG source ang nagkuwento na parang gustong makiangkas ng isang kilalang female personality sa mga nagaganap sa pribadong buhay ng kanyang dating karelasyon.
Mga bagets pa sila nang maging super-close sa isa’t isa, sila kasi ang pinag-loveteam nu’n, hanggang sa mauwi na nga sa totohanan ang kanilang pagtatambal.
Pero hindi sila nagkatuluyan, sa ibang bansa nakapag-asawa ang babae, ang lalaki naman ay naging misis ang isa nilang kasamahang aktres.
Pareho silang bigo sa pakikipagrelasyon, nakipaghiwalay ang babae sa kanyang mister dahil sa pananakit kuno, at ang aktor naman ay kahihiwalay lang sa kanyang misis.
Kuwento ng aming source, “Hindi naman ikinaliligaya ni girl ang nangyari sa ex niya, pero parang gusto niyang sakyan. May mga nagtatanong kasi sa kanya kung may posibilidad ba silang magkabalikan?
“Aba, ang girl, mukhang kinikilig naman! Parang gusto niyang makiangkas sa nangyari sa lovelife ng ex niya! E, ang babae pa namang ito, saksakan nang kaartehan, di ba?
“Ayaw niyang magpa-interview, baka raw kasi sabihin ng mga tao na nakikisawsaw siya, pero kapag mga kaibigan lang ang kasama niya, e, nagsasalita rin naman ang girl!” umpisang chika ng aming impormante.
Nakailang taon din silang magkarelasyon nu’ng mga bagets pa sila. May balita pa nga nu’n na kontrang-kontra ang pamilya ng girl sa young actor.
“Natural, ipinaglaban ng girl ang boyfriend niya, talagang inaaway niya ang kahit sinong kumokontra nu’n sa relasyon nila. Kahit ang father ng girl, tinikis niya, kasi nga, against kuno sa relasyon nila ng boyfriend niya.
“Pero ang girl din naman ang lumayo, nagpunta siya sa ibang bansa para mag-aral, pero ang ending, nag-asawa na siya du’n.
“Kaya lang, hindi naging maayos ang pagsasama nila ng husband niya, marami silang pinagtatalunan, hanggang sa nagkasakitan na sila na naging dahilan ng pag-uwi dito ng girl,” dagdag na chika ng aming source.
Bradly Guevarra, siguradong kilalang-kilala mo kung sino ang female personality na ito, imposibleng hindi. Ikuwento mo na lang kay Tita Nene Ulanday kung sino siya.
q

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending