BIMBY P700,000 kada taon ang tuition sa iskul, JAMES pumayag makihati kay KRIS sa pagbabayad | Bandera

BIMBY P700,000 kada taon ang tuition sa iskul, JAMES pumayag makihati kay KRIS sa pagbabayad

Alex Brosas - July 09, 2013 - 06:00 AM

NAG-LEAK sa media ang ilang detalye ng agreement nina Kris Aquino at James Yap about their son Bimby. Marami ang nagulat nang lumabas na isa sa napagkasunduan ay ang pagbibigay ni James ng pera for the education of his son.

Tumataginting na P700,000 a year ang tuition fee ni Bimby. Nagpahaging si Kris sa kanyang huling interview na hindi man lang dumudukot sa bulsa si James para sa education ng kanilang anak.

Okay lang naman ‘yung napagkasunduan nila about Bimby’s education pero ang tingin ng ilang fans ay tila napasama si James dahil naging nega ang dating nito.

Parang lumalabas kasi na pabayang ama siya sa kanyang anak.Napansin din ng marami na katsang nang katsang itong si Kris na atat na atat magpa-presscon ang kampo ni James pero very extensive pala ang coverage ng ABS-CBN sa kanya.

Nag-react siya sa presence ng media pero mas malawak pala ang coverage ng Dos sa kanila ni James, sabi sa isang Twitter account.

Ay naku, alam mo naman si Kris, may masabi lang. Actually, siya ang mas atat magpainterbyu at hindi si James.Di ba, noong kasagsagan ng away nila ni James ay talagang kinaray pa niya ang sisters niya para lang makakuha ng simpatya sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending