Rhian Kay JM: Honestly, mukhang mahirap siyang mahalin... | Bandera

Rhian Kay JM: Honestly, mukhang mahirap siyang mahalin…

Reggee Bonoan |November 04,2018
facebook
share this

Rhian Kay JM: Honestly, mukhang mahirap siyang mahalin…

Reggee Bonoan - November 04, 2018 - 12:15 AM

RHIAN RAMOS AT JM DE GUZMAN

ITINANGGI ni Rhian Ramos na muntik na siyang ma-develop kay JM de Guzman habang ginagawa nila ang pelikulang “Kung Paano Siya Nawala” mula sa TBA Studios.

Sa nakaraang presscon ng pelikula, sinabi ng aktres na napakagaling na aktor ni JM at madali siyang makahugot ng emosyon sa mabibigat nilang mga eksena.

“Wala naman kasing ano, hindi ko ito na-realize nu’ng start ng career ko, pero now alam ko na when you’re working with someone, kailangan mo rin ng constant effort na hindi ka lang nagme-method (acting).

“Kasi madaling ma-attach when you’re doing love story with someone, we see it happen all the time pero ayun, for me to be professional is to give a constant effort to not let that happen kasi kung mangyayari man ‘yun, kailangan walang kinalaman sa work, kailangan mangyayari siya tapos na ‘yung work, tapos na lahat. So kami, we were just being professional,” mahabang paliwanag ni Rhian nang makausap namin pagkatapos ng mediacon.

Sunod na tanong sa dalaga, sa tingin ba niya si JM ang tipo ng lalaking madaling mahalin ng isang babae?

“Honestly baka nga mahirap siyang mahalin in a sense na it’s scary and you know na he’s not in a state where lovelife is not his priority. He’s catching up in a lot of things, and I support him in that stage,” tugon ni Rhian.

Ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ni JM na hindi siya mahirap mahalin, “Siyempre nakaka-flatter, I take it as a compliment for sure.”

Anyway, sa teleserye lang daw magpapahinga si Rhian at hindi sa pelikula, “Mas focus muna sa movie kasi sa TV mga three months in a row at the shortest ang isang show kaya hindi ako makakapag-commit sa ngayon kasi parang ‘yung buhay ko is very up in the air right now so I don’t know what’s gonna happen next.”

Nabanggit din ni Rhian na isa siya sa mga producer ng “Kung Paano Siya Nawala” dahil bukod sa talent fee niya ay naglabas pa siya ng sarili niyang pera.

“Feeling ko kahit ano pang mangyari, napakasaya ko na nagawa na at ako ‘yung napiling gumanap na Shana kasi I really wanted to play the role. I already got what I wanted, so tapos na, happy na ako,” anang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending