Holloween party paandar ng LizQuen, MayWard nag-viral
VIRAL ang mga Holloween photos nina Liza Soberano, Enrique Gil, Maymay Entrata at Edward Barber sa social media.
Tuwang-tuwa ang mga LizQuen at MayWard fans nang makita nila ang mga costume ng dalawang magka-loveteam sa isang Halloween party last Tuesday night na ginanap sa Fernwood Gardens sa Quezon City.
Ang napiling tema ng party nina Liza at Enrique ay “Haunted Hollywood”. Sa isang video na ipinost ng events company na WishingWell PH, sinabi ni Liza na, “Ever since I was young, I would always go trick or treating in the States, and we kinda missed that, and we wanted to bring it here.”
Napili ni Liza na mag-costume bilang si Pennywise mula sa horror movie na “It” habang si Enrique naman ay bonggang-bongga sa pagiging Joker mula sa pelikulang “Suicide Squad.”
Bukod kina Liza at Quen, dumalo rin sa nasabing Holloween party sina Maymay Entrata at Edward Barber with matching costumes din. Dumating si Maymay bilang si Annabelle habang si Edward naman ay umapir bilang si Chucky.
Isang netizen (@Jaymarlahaylahay) ang nag-post ng kanilang photo sa Instagram.
Dumating din sa party sina Darren Espanto, Sue Ramirez, Elisse Joson, Michelle Vito at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.