Wife sa house, di wife ni husband | Bandera

Wife sa house, di wife ni husband

Beth Viaje |October 31,2018
facebook
share this

Wife sa house, di wife ni husband

Beth Viaje - October 31, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Galit na galit ako sa mister ko. Kasi lagi niya akong sinasabihan na ang pangit ko na raw.

Lagi na lang ako kinukumpara sa mga kaibigan namin na laging postura. Isa lang akong housewife. Hindi naman ako umaalis ng bahay kaya wala naman akong dapat pagmagandahan. Basta malinis naman ako at walang putok, at maganda naman ako. Ok na ‘yun, di ba?

Dapat ba akong ma-insecure sa mga babaeng laging maayos? Gastos lang mag-ayos, ibibili ko na lang ng pagkain ng mga bata at gamit sa bahay. Help naman po.

-Elmira

Hi Elmira,

I am sorry na you have to hear these things from your husband. Sabihin mo sa akin kung saan nagtatrabaho ang asawa mo at dadayuhin ko para batukan (joke!).

Hindi niya dapat sinasabi sa iyo ang ganyan. May mabuti at maayos na paraan na masabihan kang magpaganda ka o huwag mo namang kalimutan ayusan ang sarili mo.

On the other hand, ate, dapat tayong mga asawang babae ay hindi nagpapabaya sa ating sarili. Granted na maganda ka, malinis at walang putok, huwag pa rin natin bigyan ang mga asawa natin ng lisensya na ikumpara tayo sa iba. (To be honest, wala ring modo itong asawa mo na ikumpara ka sa iba, kahit pa may putok ka!)

Di ba kung ikakasaya ng asawa natin na uuwi siya sa asawang kaakit-akit, kahali-halina at ikukulong sa kwarto, why not, coconut?! Mas masarap sa pakiramdam na ikaw pa rin at ikaw lang ang pinagnanasaan ng asawa mo, di ba? Na kung paano kayo magtinginan at magdikit bago dumating ang mga anak n’yo ay ganun pa rin kayo. Hindi lang to about sex kundi intimacy.

Obviously, may hinahanap ang asawa mo. Baka nahirati ka na lang sa pagiging wife sa house at hindi wife ni husband. Mas inasikaso mo pa ang mga anak mo na nakalimutan mong asikasuhin ang sarili mo para sa mister mo and eventually sa mga anak ninyo.

Walang masama na asikasuhin at pagandahin ang sarili. Oo nga’t maganda ka nga siguro, pero ano’ng masama na ilabas at ipakita mo ‘yan kahit nasa bahay ka lang? Hindi kailangan na kontodo make up, manicure and pedicure para lang maglinis ng banyo, pero pwede namang naka lipstick at blush on habang naghahain ng pagkain at sabay- sabay naghahapunan di ba?

In short, ano ba ang extra-gastos para sa sarili para mapasaya si mister, matuwa ang mga anak. Mas masarap makita ng mga bata na nagki-kiss ang nanay at tatay nila, alam mo ba ‘yun? They feel more secure.

Wag kang ma-insecure sa mas magaganda sa iyo. Wala silang asawa at anak na meron ka. So that should make you feel secure and loved.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi rin masama na mag-shopping kayo paminsan-minsan ni husband para malaman mo kung ano gusto niyang damit o underwear mo. In short, part of communication n’yo pa rin itong mag-asawa. So be happy and be pretty because a happy wife is a happy life!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending