JK Labajo hindi takot sa demanda ni Darren Espanto, nang-aasar pa | Bandera

JK Labajo hindi takot sa demanda ni Darren Espanto, nang-aasar pa

Ambet Nabus |October 31,2018
facebook
share this

JK Labajo hindi takot sa demanda ni Darren Espanto, nang-aasar pa

Ambet Nabus - October 31, 2018 - 12:40 AM

DARREN ESDPANTO AT JK LABAJO

Mukhang hindi naman papayag ang tatay ni Darren Espanto na basta na lang manahimik sa isyung kinasasangkutan ng anak.

After kasing makipagsagutan kay JK Labajo, si Daryl Ong naman ang binalingan nito na naglabas din ng kanyang saloobin hinggil sa isyu ng paglaladlad o pagpapakatotoo sa tunay na kasarian.

Matitindi ang binitiwang salita ng tatay ni Darren, pero dinedma lang ito ni Daryl. At ang mas nakakalokang update, tila sa social media na rin nila talaga nais ituloy ang laban dahil until now ay hindi pa rin kinakasuhan ni Darren si JK lad ng banta nito.

Kamakailan ay nag-post naman si JK ng picture kung saan nakasuot siya ng wig at todo make up na para bang sinasabing hindi siya natatakot sa demanda ni Darren. Dahil kung nag-aalala ito sa banta ng kaaway, tatahimik na lang siya at maghahanap ng paraan para ayusin ang issue.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending