BAHAGYANG humina ang bagyong Rosita matapos na mag-landfall ngayong araw.
“Typhoon Rosita has weakened after crossing the rugged terrain of northern Luzon and is now heading towards the West Philippine Sea, “ saad ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa advisory nito alas-5 ng hapon.
Alas-2 ng hapon ng lumabas ang bagyo sa lalawigan ng La Union.
Ang bilis ng hangin ng bagyo ay umaabot sa 125 kilometro bawat oras at pagbugsong 190 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras pakanluran-hilagang kanluran.
Kung hindi magbabago ng bilis at direksyon, ang bagyo ay lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.