Doktor sa FB nanawagan: Iboykot daw sina Aga, Bea at Vice Ganda
MAGKAHALONG showbiz at pulitika ang aming recipe ngayong araw na ito.
Although we have yet to give our concoction an apt name, may dalawang pangunahing rekado lang ito—si Sen. Antonio Trillanes at si Aga Muhlach.
A bit of history muna. Minsan na ring nakipagsapalaran si Aga sa pulitika sa isang bahagi ng Bicol but it was a failed crossover. Make it an even epic fail dahil imagine, Aga Muhlach na siya yet his popularity did not ensure victory.
Nasa Liberal Party siya noon, but for sure ay wala naman itong kaugnayan kung bakit talunan siya sa dulo ng karera.
Samantala, nasa LP rin ang senador na kamakailan nga’y nagdeklara ng kanyang pagkawagi makaraang tablahin ng Makati City RTC ang apela ng DOJ. No need to go to the details of the specific charge against him.
Ilang araw bago rito’y aligaga sina Aga at Bea Alonzo sa pagpo-promote ng kanilang latest film.
Mandatory na mag-guest sila sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.
As in any program which accommodates promotional exposures, siyempre, bukod sa kung ano naman talaga ang pakay ng mga artista ay bibigyan ang segment ng ibang atake, to make it a softsell.
Kering-keri ito ni Vice palibhasa’y well-rounded. Perhaps with his creative input ay naging bahagi ng interview proper ang talakayin ang tungkol sa pulitika. And one such subject was Trillanes whose giant photo was shown for the guests to share their two cents.
Hindi namin mismo napanood ang naturang episode, pero supalpal si Aga sa kanyang naging sagot posted by Pinoy Ako Blog.
Fast forward nang konti. Nitong Lunes ay inabangan kung aarestuhin na ba si Trillanes sa bisa ng ibabang desisyon ni Makati RTC Judge Andres Soriano ng Branch 148.
Pangalawang pag-antabay na ito, the first being a couple of weeks ago kung saan nagsilbing pansamantalang refuse ng senador ang Senado to elude arrest.
Makaraang magdesisyon ni Soriano, bumaha na naman ang Facebook and other social media with Trillanes proclaiming the triumph of democracy at ang pangingibabaw ng hustisya.
Too many shared posts flooded FB kung saan sa ilalim nito were countless, kilometric comments ng suporta ng mga netizens at papuri sa hukom (whose likely decision would not favor the embattled lawmaker).
Isa sa mga nagkomento ay isang doktor, nananawagang iboykot ang mga sumusunod: ang Aga-Bea movie, ang GGV at It’s Showtime, and apparently the stars and host, respectively.
Nag-react kami para kay Vice who the netizen accused of committing an act of instigation base sa mga sagot nina Aga at Bea sa ipinakitang litrato ni Trillanes. Depensa namin, we believed VG never intended to put the senator in a bad light.
A PolSci student—bagama’t hindi niya natapos ang kurso sa FEU—Vice is an informed host na hindi lang limitado ang kaalaman to anything and everything about showbiz.
Hindi lang basta aware o cognizant si VG sa mga socio-political issues, he has a brilliant mind to talk about them with ease and spontaineity.
Kung meron man sigurong kaboykot-boykot, hindi ‘yon si Vice. Oh, kaya pala pinaksa ng isang political columnist sa sinusulatan niyang tabloid (not BANDERA) ang tungkol sa malagihay lang na kita ng Aga-Bea film sa unang araw ng showing nito.
Even before appeals were made to sabotage the movie ay nauna nang tumalima ang mga manonood na huwag itong panoorin.
Dagdag pa ng doctor-netizen, has Aga forgotten he belonged to the LP noong tumakbo siya sa Bicol?
Huwag din daw siyang masyadong epal sa papuri sa mga gawain ni Pangulong Rodrigo Duterte just because naroon ito sa lamay ng kanyang ama sa Heritage Park.
Napadaan lang naman daw kasi that time ang Presidente attending another funeral, sumegwey lang kina Aga.
And I…thank yowww!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.