Harry Roque sa paglabas sa show ni Vice Ganda: Inambush ba ako doon?
INAMIN ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi niya tiyak kung nakabuti o nakasama sa kanyang kandidatura sa pagka-senador ang paglabas sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV), kamakailan.
“Kasi hindi ko matandaan ang nangyari sa amin. Ano ba yun? Inambush ba ako doon? Gusto ba niya akong tulungan? Hanggang ngayon hindi ko alam kung naging good or bad ang guesting ko doon,” sabi ni Roque sa Tusok-Tusok Serye ng Inquirer Bandera at Inquirer Libre.
Ito’y matapos namang makaranas si Roque ng magaspang na pagtrato mula kay Vice Ganda.”Pero ako kasi, I give everyone the benefit of good faith. Nag-guest ao doon, naimbitahan naman ako. So, hindi ko naman akalain na napakataray naman niya sa kin,” kwento ni Roque.
Tiniyak naman ni Roque na hindi naman siya nagpaapekto sa kabila ng masamang pagtrato mula kay Vice Ganda.
“Hindi naman ako nagpaapekto sa kanyang katarayan. Sumagot pa rin ako ng totoo lamang. at the end we end up as good acquaintance,” ayon pa kay Roque.
Iginiit naman ni Roque na nais pa rin niyang maging kaibigan si Vice Ganda.
“I would want to be friends with Vice Ganda.” dagdag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.