Hugot ni Daryl Ong sa mga beki: Magpakatotoo ka na lang!
Isa pang na-bash itong singer na si Daryl Ong when he posted something about being gay. Most people kasi alluded his Facebook post sa Darren Espanto-JK Labajo feud which stemmed sa pagiging gay daw ng isa sa kanila.
“If I was the one accused of being gay, (maliban na lang kung may kasamang threat or binastos ako at pamilya ko) hindi siguro ako mag aaksaya ng panahon mag react lalo na kung alam ko naman na hindi totoo, at kung nagkataon mang totoo, eh ano naman? Ano ngayon?
“Bat mo naman itatago? Pag bakla ka ba criminal ka? Does it make you less of a person? Less of an artist? Pag bakla ka ba nabawasan ba galing at kakayahan mo sa kung saan mang larangan ka nakikipag sapalaran? Nabawasan ba talino mo?
“Just as being straight, does it make you more righteous? Less sinful? Ganun ba yon? Natitimbang ba, nababase ba ang bigat ng kasalanan at kakulangan sa pamamagitan ng kasarian?
“Di ko kase talaga gets bakit hanggang ngayon na 2018 na may mga public figure parin na nagpapanggap maging lalake, tapos pag na issue, papalag-palag. Ano ba binebenta mo? Talent mo o kasarian mo? Bat kelangan pa kase magpanggap. Bat di nalang magpakatotoo. Masarap maging totoo sa sarili at sa maraming tao. Mas masarap yung niyayakap ka ng tao kung sino ka talaga.
“THE TRUTH SHALL SET YOU FREE. Magpaka totoo ka.”
Left and right na lait ang inabot ni Daryl kaya naman nag-react siya sa Twitter.
“Hey guys, it was just an open thought. No hate here. Ang point ko is pagiging totoo sa sarili mo matter what. Yun lang. wala akong inaakusahan. I just shared my perspective ayon sa NASAKSIHAN KO SA LOOB for the past 4 years.”
“Naglabas lang ako ng opinion dinamay pa anak ko. Wala naman akong pinangalanan. Tsk tsk.
Masyadong defensive naging offensive na. Hehehe.” ‘Yan ang magkasunod niyang tweet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.