DOLE sa bus companies: Sundin ang wage standards | Bandera

DOLE sa bus companies: Sundin ang wage standards

Liza Soriano - October 24, 2018 - 12:10 AM

DAPAT lamang na sundin ng mga kumpanya ng ang pagpapasuweldo para sa mga driver at konduktor ng mga pampasaherong bus.

Ang panawagan ay kasunod ng desisyon ng Supreme Court na nagpapatibay sa DOLE Department Order No. 118-12 na nagtatakda ng two-tier salary para sa mga driver at konduktor ng public utility bus na hindi dapat bababa sa itinatakdang minimum wage sa kanilang rehiyon.

Inatasan ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) na paigtingin ang information drive at magbigay ng technical assistance sa mga kumpanya ng bus upang bumuo ng panuntunan para sa part-fixed, part-performance compensation scheme.

Salig na run NWPC na mayroong kabuuang 261 kumpanya ng bus ang natulungan na ng Regional Tripartite Wage and Productivity Boards (RTWPBs) kaugnay sa pagbuo ng panuntunan para sa compensation scheme para sa 2012-2018.

Ang NWPC Operational Guidelines para sa D.O. 118-12 ay nagsasaad ng panuntunan sa pasahod at ang fixed component ay hindi dapat bababa sa minimum wage.

Ang mga driver at konduktor ay mayroon ding karapatan para sa lahat ng mandatory wage-related benefit, tulad ng overtime pay, night shift differential, service incentive leave, 13th-month pay, holiday pay, at premium pay.

Samantala, ang performance pay ay dapat na nababatay sa kita, dami ng pasahero, safety, kondisyon sa ruta at iba pang kaugnay na sukatan.

Ang mga may-ari ng bus at mga operator ay kinakailangan na magsumite ng kanilang compensation scheme sa RTWPB na nakasasakop sa kanilang lugar ng negosyo ng PUB.

Nakatakda na ring makipagpulong ang kagawaran ng paggawa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang pag-usapan ang koordinasyon sa pagitan ng dalawang ahensya upang ipatupad ang LTFRB Memorandum Circular No. 2012-01, na naglalayong matiyak ang road transport safety sa pamamagitan ng pagsunod sa labor standards at franchise regulation.

Ang memorandum circular ay nag-aatas sa mga PUB na magsumite ng Labor Standards Compliance Certificate na inisyu ng DOLE bilang requirement upang mabigyan sila o para sa renewal ng kanilang Certificate of Public Convenience.

Isinasaad rin dito na sa oras na mabigo ang mga ito sa nasabing mga requirement ay maaari silang patawan ng cancellation o revocation ng kanilang CPC.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending