Young actor nilalayuan na ng ka-loveteam | Bandera

Young actor nilalayuan na ng ka-loveteam

Reggee Bonoan |October 23,2018
facebook
share this

Young actor nilalayuan na ng ka-loveteam

Reggee Bonoan - October 23, 2018 - 12:10 AM

Naaliw kami sa isang aktor na agad tinawagan ang kanyang mga kaibigan sa showbiz para humingi ng payo tungkol sa kanyang ka-loveteam. Iniiwasan na kasi siya ng dalaga at ayaw na siyang makasama pero hindi naman puwedeng mangyari dahil may existing show pa sila.

Pinayuhan ang aktor na dedmahin na ang ka-loveteam dahil kaya naman niyang tumayong mag-isa at hindi na niya kailangan pa ang aktres para mapansin pa.

Hindi naman itinanggi ng aktor na malaki ang naitulong ng aktres sa kanyang career dahil ilang taon na rin siya sa showbiz pero hindi siya sumikat nang husto tulad ng status na kinalalagyan niya ngayon.

Tumaas lang ang level niya simula nu’ng naging ka-loveteam niya ang aktres.

Pero dahil madalas naman silang hindi nagkakasundo sa hindi malamang dahilan kaya umaatras na ang aktres bagay na ayaw naman ng aktor kaya napilitan siyang humingi ng payo.

Kaya na rin namang magsolo ng aktres dahil nang pumasok siya sa showbiz ay sikat agad siya dahil na rin sa dala niyang pangalan.

Tinanong kami ng dalawa sa kaibigan ng aktor kung aariba pa ba ang career ng binata kapag nabuwag na ang loveteam nila ng aktres.

Mabilis ang sagot namin, “HINDI” at kung bakit, wait na lang natin kung anong mangyayari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending