Vice Ganda, Calvin Abueva wala nang hiya-hiya, lantaran na ang ‘relasyon’

By Cristy Fermin October 21,2018
share this

Vice Ganda, Calvin Abueva wala nang hiya-hiya, lantaran na ang ‘relasyon’

By Cristy Fermin October 21,2018
share this

VICE GANDA AT CALVIN ABUEVA

Kung todo-deny nu’n ang sikat na basketbolistang si Terrence Romeo tungkol sa pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa sikat na komedyante-TV host na si Vice Ganda ay kabaligtaran naman nito ang bruskong basketball player na si Calvin Abueva.

Lantaran silang nakikitang magkasama ni Vice sa mga bar, magkatabi sila at sweet na sweet, hindi tulad ni Romeo na parang ikinahihiya ang pagkaka-link ng kanyang pangalan kay Vice.

Pagpuna ng marami ay mukhang sila na nga, mukhang nagkakaigihan na sila, dahil hindi naman magpapakapagod ang sikat na gay personality sa panonood ng mga games ng Phoenix kung hindi espesyal sa kanya ang basketbolista.

Ilang buwan na ang nakararaan ay nagwala-walaan si Abueva, bigla na lang itong hindi naglaro sa kanyang dating team, ang Alaska.

Iba-ibang bersiyon ng kuwento ang lumabas. Una ay hindi na ito masaya sa kanyang team, ikalawa ay inatake ng depresyon ang player dahil hiniwalayan ng kanyang asawa, hanggang sa lumutang na ito bilang miyembro ng Phoenix team.

Ipinagbabanduhan na nila ni Vice ang madalas nilang pagsasama sa labas, hindi nahihiya si Calvin kahit pa nakayakap sa kanya ang sikat na komedyante, kaya buo ang paniniwala ng ating mga kababayan na sila na nga.

 

Read More: 

Hashtag Zeus umamin sa indecent proposal, inalok mag-macho dancer

‘Patikim ni Kim’ sa Bubble Gang nagmarka

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending