Hashtag Zeus umamin sa indecent proposal, inalok mag-macho dancer

By Ervin Santiago October 19,2018
share this

Hashtag Zeus umamin sa indecent proposal, inalok mag-macho dancer

By Ervin Santiago October 19,2018
share this

ZEUS COLLINS

Diretsong inamin ng Hashtag member na si Zeus Collins na nakakatanggap din siya ng mga indecent proposal mula sa mga bading at may mga nag-offer din sa kanya noon na mag-macho dancer at sumayaw sa mga gay bar.

Sa presscon ng second dance concert ng Star Magic artist at tinaguriang God of the Dance Floor, ang “The Dance Machine Concert”, naikuwento niya ang mga challenges na pinagdaanan niya noon bago pa siya nakilala sa entertainment industry.

“Noon po, wala pa ako sa showbiz, marami pong mga offer na ganyan. May kotse, cash, P20,000, P10,000. Pero wala po akong tinanggap. Kung tutuusin po, kasi kapos din kami dati, tapos kikita ka ng ganu’n kalaking pera sa isang araw lang. Pero hindi talaga, eh.

“Sabi ko kasi, bata pa naman ako, kaya ko pang magtrabaho and may talent din, marunong akong sumayaw. Hanggang napasali na ako sa mga grupo at sila mismo ang kumukuha sa akin na rumaket sa pagsasayaw,” kuwento ni Zeus sa isa ngayon sa mga pambatong dancer ng Hashtag at host na napapanood araw-araw sa Showtime.

Pagpapatuloy pa ng hunk actor-dancer, “May mga nag-offer din sa akin noon na mag-macho dancer, kasi nga dancer naman ako. Pero hindi ko rin sinubukan. Ang nasa isip ko, hangga’t kaya kong kumita sa ibang paraan, ganu’n na lang.”

Samantala, siguradong magmamarka na naman sa kanyang supporters ang bago niyang dancer concert, ang “The Dance Machine” na magaganap na sa Nob. 3 sa SM Skydome.

Produced by Istudyo ni Pipay, the Hashtags member is taking his big moves and undeniable swag.

Makakasama niya rito ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa Showtime tulad nina Dawn Chang, Ryan Bang and co-Hashtags members Nikko Natividad, Paulo Angeles, Jimboy Martin, Charles Kieron and Jameson Blake plus other surprise special guests.

Makaka-showdown din ni Zeus dito ang young performer at YouTuber na si Lady Pipay na nagpasampol pa nga ng kanyang bonggang dance moves sa presscon. Zeus and Lady Pipay dance spot would surely be one of the show’s highlights given their expertise in performing.

“Excited po akong ipakita sakanila ang mga production numbers na hindi nila madalas na nakikitang ginagawa ko. Pero masayang-masaya rin po ako na may nagtiwala ulit sa akin na magkaroon ng concert,” pahayag ng binata.

Hirit pa niya, “Sana rin pagkatapos nilang manood ng concert ko eh mas ma-a-appreciate pa nila ang pagsasayaw.”

“The concept is the dance machine so we’d like to take Zeus’ dancing skills to the next level and we believe that he is indeed the God of the Dance Floor that is why we want to showcase the different kinds of genres that he can dance,” sey naman ni Drei Roxas, Istudyo ni Pipay’s Communications Officer.

Sa direksyon ng dancer-choreographer na si Nesh Janiola, “The Dance Machine Concert: Zeus Collins” sa

SM Skydome ay mapapanood na sa Nov. 3, Saturday.

For ticket inquiries just visit https://smtickets.com/ or any SM Tickets.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending