‘Hindi hihinto ang GMA sa paglipat ni Regine!’ – Lolit Solis
NAG-REACT si Lolit Solis sa sinabi ni Regine Velasquez na mas kilala pa ng Pinoys sa abroad ang FPJ’s Ang Probinsyano kaysa sa show niya.
“Naku ha, Regine Velasquez overload naman ang mga balita. Para bang pinakamalaki nang pangyayari sa showbiz ang naganap na paglipat to the point na kung anu-ano pa ang napag-uusapan.
“Sobra naman iyon nasabi na hindi kilala ang TV show ni Regine nang banggitin niya sa isang concert at ang kilala lang ay ang Ang Probinsiyano ni Coco Martin.
“Iyon para bang wala nanonood sa istasyon. Tanggap ng lahat na malakas at number one ang Probinsyano, pero kahit si Coco Martin naman naniniwala din na may nanonood sa Victor Magtanggol ni Alden Richards. Huwag na kasing pahabain pa o kung anu-ano pang isyu ang buksan sa paglipat ni Regine, iyon lang iyon lumipat, gustong tikman ang kabilang istasyon, period.
“Kahit pa siguro lumipat lahat ng artista ng GMA 7 hindi babagsak o mawawala ang istasyon.
Maaapektuhan sa una, pero tatayo at tatayo pa rin. Ganun din Channel 2, lumipat man lahat ng artista nila, iyon pa rin, Channel 2 pa rin sila. Pader na pareho iyan, mahirap gibain, ikot-ikot lang tapos babalik din kung tatanggapin pa. Di lang naman si Regine ang lumipat marami din artista ng 2 lumipat sa 7 at no big deal.
“Hindi hihinto ang GMA dahil lumipat lang si Regine o kahit sinong artista. GMA pa rin iyan with or without Regine Velasquez. At Chanel 2 pa rin iyan, kahit may Regine. Tuloy ang buhay, walang nabago.”
Naku, Lolit, nagpakatotoo lang si Regine. She asked her audience sa isang concert kung sino ang nakakapanood ng teleserye niya. Kaso, ang isinagot ng audience ay FPJ’s Ang Probinsyano.
May problema ka ba sa pagpapakatotoo ni Regine? Yes, GMA pa rin ‘yan, the number two network in the country. Sa pag-alis ni Regine sa Siyete, nawala na ang kanilang prime artist. Hindi mo man aminin, napilayan na sila. Wala na silang banner artist, ‘no!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.