Horoscope, October 19, 2018

By Madam Sophia October 19,2018
share this

Horoscope, October 19, 2018

By Madam Sophia October 19,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Marami pang malalaking suwerte ang darating sa iyong buhay, kaya sa araw na ito matapos magsimba, dapat na matutong magpasalamat sa mga biyayang dumarating at sa mga pagpapalang darating pa sa susunod na mga araw. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Om.” Green at red ang buenas.

Aries – (March 21-April 19) — Kahit ano ang mangyari ugaliing magpasalamat. Ang taong laging nagte-thank you, maraming biyaya ang natatanggap. Mamayang gabi, sabihin sa kasuyo: “Love, Salamat,” sabay halik sa kanyang mga labi. Mapalad ang 2, 7, 18, 24, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Agra-Om.” Maroon at violet ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Mas marami kang kikitain kung mabubuhay sa sariling pagsisikap. Sa pag-ibig, huwag silang intindihin, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanyang taste ‘yan, wala kayong pakialam!” Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Red at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa malayong lugar mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, mas magiging okay ang relasyon kung pansamantalang lalayo muna sa kasuyong matampuhin. Mapalad ang 3, 12, 30, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Green at gray ang bueanas.

Cancer – (June 22- July 22) — Panindigan ang anumang sinabi! Hindi dapat magpabago-bago ng isip upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hinihintay ng kasuyo ang matagal mo ng pangako—mag-date daw kayong dalawa. Mapalad ang 1, 8, 17, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kebanam-Karam-Aum.” Beige at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Kung hindi ka aalis ng bahay, darating ang mga maniningil. Wag ka na kasing mangutang kung wala ka namang pambayad. Kung sadyang kinakapos, sa isang Aries ka manghiram ng pera. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 37 at 43. Mahiwagwa mong mantra: “Mandala-Dosya-Om.” Gold at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kahit nagkapatong-patong ang mga gawain kaya mong matapos ang lahat ng iyan. Bilis ang susi upang magtagumpay. Sa pag-ibig, isa-isantabi muna ang mga bagay na may kaugnayan sa emosyon, puro salapi muna ang isipin. Mapalad ang 5, 14, 25, 38, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Lilac at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Ngayong nalalapit ang kapaskuhan, sundin ang mungkahi ng kasuyo. Hindi ka dapat na maging magastos. Isa lang ang susi upang yumaman, maging masinop at matipid. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Habang patuloy ang buhos ng ulan may babala ng karamdaman. Sa pag-ibig, romansa- espesyal mamayang gabi ang magpapalakas ng immune system, ngunit hinay-hinay lang baka mabinat ka. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aspera-Astra-Om.” Violet at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag asahang babalik pa ang nakaraan. Ituon ang isipan sa hinaharap. Sa pag-ibig, makuntento sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansiyal, sa nalalapit na undas mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa Halloween festival. Mapalad ang 4, 9, 18, 28, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Violet at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Kahit anong bigat ng mga problema, wag mabugnot at Kumalmante ka lang. Kapag laging masaya, mas madaming darating na pera. Sa pag-ibig, kapag lagi kang relaks may mas masarap na romansang matatangap. Mapalad ang 7, 14, 22, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Lilac at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Magiging matagumpay ang larangan ng pananalapi ngunit sa pag-ibig at romansa, bokya pa rin! Ang pinakamabuting gawin ay magdasal na sana’y hulugan ka ng langit ng isang tapat at mabuting karelasyon. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Kahit anong bigat ang mga suliraning dumarating hindi dapat sarilinin ang mga problema. Kailangan ibahagi mo ito sa iba upang tuluyang gumaang ang iyong pakiramdam. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Shared joy is a double joy; shared sorrow is half a sorrow.” White at pink ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending