Kris mas hahaba pa ang buhay matapos patayin ng isang netizen sa social media

By Cristy Fermin October 19,2018
share this

Kris mas hahaba pa ang buhay matapos patayin ng isang netizen sa social media

By Cristy Fermin October 19,2018
share this

KRIS AQUINO

Care bears lang si Kris Aquino sa paglabas ng isang fake news tungkol sa kanyang pagkamatay. Wala talagang magawa sa buhay ang nagpalutang ng balitang ‘yun.

Naniniwala rin pala si Kris sa kasabihan na kapag pinapatay ka nang maaga ay mas hahaba pa ang iyong buhay. Saka hindi na bago ang ganu’ng kuwento. Marami nang artistang pinatay sa text at sa social media.

Mukhang nakakabawi na si Kris sa mga pinagdaanan niyang serye ng depresyon sa kanyang buhay. Mula nang malaman niya ang totoong sakit niya ay nakahinga na siya nang maluwag.

Totoo ngang takot ang pumapatay sa atin. Nauuna ang kung anu-anong negatibong senaryo sa ating utak, gumagawa tayo ng sariling multo, tayo ang unang-unang natatakot sa mga produkto ng ating imahinasyon.

Sapat nang nalaman niya na wala siyang lupus. Oo nga’t nagagamot naman ang nasabing sakit ay ayaw pa rin niyang magkaroon nu’n dahil kidney niya ang tatamaan sa kalaunan.

Aminado si Kris na habang hinahanap ng mga espesyalista ang pinagmumulan ng pag-atake ng kanyang allergies ay sina Josh at Bimby ang kanyang pinoproblema.

Paano na nga naman ang kanyang mga anak kapag dumating ang pagkakataong magpapaalam na pala siya? Nandiyan naman ang kanyang mga kapatid na parang anak na rin ang turing sa kanyang mga anak pero tama si Kris.

Sariling ina lang nina Josh at Bimby ang makapagmamahal sa kanila nang walang kuwestiyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending