Hunk actor ibinuking ang kabaklaan kay female TV host

By Cristy Fermin October 19,2018
share this

Hunk actor ibinuking ang kabaklaan kay female TV host

By Cristy Fermin October 19,2018
share this

BAKIT kaya hanggang ngayon ay pinagpipistahan pa rin ang kuwento tungkol sa kaberdehan ng dugo ng isang hunk actor kahit pa ilang beses na siyang nagdepensa ng kanyang sarili?

Kahit pa matagal na niyang sinasabing walang makapagpapatotoo sa bintang tungkol sa kanyang gender ay palagi pa ring may mga kuwentong lumalabas na kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.

Kuwento ng isang source, “E, siya rin naman kasi ang nagbibigay ng insinuation na ganu’n siya, e!

Imagine, kapag nasa ibang bansa sila ng mga co-stars niya, instead na sa mga panglalaking stuff siya pumapasok, shop agad ng mga pang-make-up ang inuuna niya!

“Puwede niya namang puntahan ‘yun kapag nag-iisa na lang siya, pero ipinakikita pa niya sa mga kasamahan niya ang sobrang pagkahilig niya sa make-up? Paano titigil ang kuwentong mhin din ang hanap niya?” unang kuwento ng chikadora naming source.

Kilalang-kilala rin siya sa pagkakaroon ng kumpletong brand ng make-up. Kinakabog nga niya ang mga kasamahan niyang girls sa kabonggahan ng mga ginagamit niyang make-up.

Sabi uli ng aming impormante, “Di nga ba, nu’ng minsang mag-guest siya sa show ng isang female TV host, e, make-up ang pinagkuwentuhan nila bago siya sumalang sa harap ng mga camera?

“Talagang nag-compare notes sila tungkol sa magagandang brands ng make-up. Kung ano ang meron ang female TV host, e, hindi siya nagpakabog, meron din siya nu’n! Hindi siya nagpapahuli, inamin niya sa TV host na naglalaan talaga siya ng datung para sa mga bagong brands ng make-up na lumalabas.

“Heto na, time to roll na, may ipinakiusap ang hunk actor sa female TV host. Ang request niya, ‘Don’t mention na lang ang tungkol sa kuwentuhan natin kanina about make-up brands. Alam mo na!’

“Lalong naloka ang kausap niya, parang siya na rin kasi ang nag-confirm kung ano ang gender niya, nalukring sa kanya ang taklesang TV host!” tawa nang tawang chika ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bigay na bigay na kung sino ang hunk actor na ito, ha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending