Librong ‘Mga Batang Poz’ alay sa mga may HIV-AIDS | Bandera

Librong ‘Mga Batang Poz’ alay sa mga may HIV-AIDS

Julie Bonifacio - October 19, 2018 - 12:15 AM

SEGUNDO MATIAS JR.  AT RICKY LEE

Dumalo ang batikan at multi-awarded scriptwriter na si Ricky Lee sa book launch ng “Mga Batang Poz” ni Segundo Matias, Jr. o mas kilala bilang Jun Matias.

Si Jun Matias ang owner ng Lampara Books Publishing ng sikat na Precious Hearts Romances pocketbook novels, at iba pang mga libro na may iba’t ibang tema, pati na pambata.

Very proud si Ricky kay Jun dahil isa ito sa early participants sa kanyang Ricky Lee Scriptwriting Workshop na nagsimula noong 1982 (na ever since ay free of charge).

“Naalala ko mga teenager pa sila noon nina Richard Reynante, Linda Casimiro at Ben Pascual hanggang nagsulat sila sa isang TV show, ‘yung Pub House nina Chanda Romero. Masaya ako na mula sa pagiging teenager nila noon na sabik na sabik makapagsulat, eh eto ngayon siya – may sarili nang empire, may sariling publishing house,” pagbabalik-tanaw ni Ricky.

Naniniwala siya na very timely ang tema ng “Mga Batang Poz” (short for ‘positive’ sa sakit na HIV/AIDS).

“Ang tema ng librong ito ay very timely, dahil ngayon, malungkot mang isipin, pero totoo na mas lumalaganap na sa atin dito sa Pilipinas ang HIV, lalung-lalo na sa kabataan. Pero I think, mahalaga itong basahin hindi lamang ng mga kabataan, kundi nating lahat,” aniya pa.

Ang “Mga Batang Poz” ay mabibili sa National Bookstore, Precious Pages retail outlets at iba pang bookstores.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending