Van vs trike: 3 patay, 1 kritikal | Bandera

Van vs trike: 3 patay, 1 kritikal

John Roson |October 18,2018
facebook
share this

Van vs trike: 3 patay, 1 kritikal

John Roson - October 18, 2018 - 04:45 PM

TATLONG magsasaka ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan nang masalpok ng van ang sinakyan nilang tricycle, sa San Agustin, Isabela, Miyerkules ng gabi.

Dead on arrival sa ospital sa bayan ng Jones sina Jelson Andres, Romnick Mateo, at Rolando Dulay, sabi sa Bandera ni PO3 Jovanni Gil Abuan, imbestigador ng San Agustin Police.

Dinala rin sa naturang pagamutan ang kasama nilang si Sammy Vidad, ngunit kinailangang ilipat sa isa pang pagamutan sa Santiago City para sa karagdagang lunas.

Naganap ang insidente dakong alas-8:30, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Purok 3, Brgy. Nemmatan.

Minamaneho ni Victor Abarra ang Hyundai Starex van patungong hilaga, nang masalpok ang tricycle na dala ni Andres, ayon sa impormasyong nakalap sa Isabela provincial police.

Mabilis ang takbo ng van nang masalpok ang tricycle, na biglang lumabas sa barangay road, ayon sa ulat.

Naipagharap na ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injury, and damage to property ang driver ng van, ani Abuan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending