Ethel Booba: Politics is not for me…hindi ito popularity contest!
Sinagot ni Ethel Booba ang isang fan na nagsabing bagay siya sa politics considering how witty and intelligent she is.
“Politics is not for me. Ibigay natin yan sa tunay na may alam. Madami dyan karapat-dapat kaya dapat maging mabusisi ngayon sa pagpili ng iboboto. Hindi popularity contest ang politika. Charot!” sagot ni Ethel.
Ang daming natalinuhan sa sagot na iyon ng comedienne.
“Buti ka pa @IamEthylGabison alam mo sa sarili mo na hindi ka para sa politika at hindi pa sapat ang nalalaman mo para humawak ng posisyon pero si @MochaUson feeling may silbi. Baka lalo pang lumala ang porn industry sa Pilipinas.”
“Nawa ay maulanan ka at dumami ang lipi mo Ms Ethel, maipamahagi mo ang iyong karunungan sa paglilinaw ng kahalagahan ng wastong politika at pagkakaiba nito sa popularity.”
“Madami ang nagsasabi hindi matalino si Ethel. Pero look at her statement, well thought of and well said.
Hindi madali magpatawa, it takes a lot of wit and experience. Sana maintindihan at tumaga sa isip ng madla ang sinabi ni Ethel. Hwag kayo magpadala sa popularity contest.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.