Interbyu ni Korina kay Mocha butata sa rating, pinadapa ng ‘KMJS’ ni Jessica | Bandera

Interbyu ni Korina kay Mocha butata sa rating, pinadapa ng ‘KMJS’ ni Jessica

Alex Brosas - October 17, 2018 - 01:05 AM

KORINA SANCHEZ AT MOCHA USON

HINDI pala nakatulong sa rating ng Rated K ang guesting ni Mocha Something last Oct. 7.

Pinakain kasi ng alikabok ng show ni Jessica Soho (KMJS) ang episode nang magtamo ito ng 25.3% habang 14.9% lang ang nakuha ng show ni Korina as reported by one website.

Actually, marami pa nga ang naimbiyerna kay Korina dahil ginawa nitong guest si Mocha sa kanyang program.

“Ms. Korina, lahat ng episode mo sa Rated K hindi ko pinalagpas, baka ngayon lang. Walang kakwenta kwenta. Sorry hindi kami manonood.”

“We watch Rated K all the time but we have to pass this episode.”

“Mag rate kaya ang episode na eto? Nanunuod ako ng Rated K pero pag siya never mind! Lipat channel na lang”

“You just wasted your show’s precious time Ms Korina.”

‘Yan ang comments na nabasa namin sa isang website. Actually, pinagtatawanan ngayon si Mocha dahil nag-file siya ng candidacy for a party-list. Nag-deny kasi siya noon na tatakbo siya sa eleksyon.

“I AM NOT RUNNING. Hindi ako magpapaligoy ligoy ng sagot. Malinaw ang sagot ko na HINDI AKO TATAKBO. Wala ng mas lilinaw pa diyan.

“Hindi ako politico. Alam ninyo yan mga kaDDS. I hate politics and politicians.”

‘Yan ang mga statement ni Mocha sa kanyang social media account. With her filing of her candidacy, kinain ni Mocha nang buong-buo ang kanyang mga salita. She contradicted herself and made a mockery of herself.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya kami hindi bumoboto. Marami kasi sa mga politico ay walang isang salita. Marami sa kanila ang nagpa-promise ng kung anu-ano pero hindi naman kayang gawin. Hindi namin iginagalang ang mga taong hindi napaninindigan ang kanilang sinasabi. For us, isa ‘yan sa mga pinakamababang uri ng politico.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending