Walang rason para i-extend ang COC filing —Comelec | Bandera

Walang rason para i-extend ang COC filing —Comelec

- October 14, 2018 - 05:29 PM

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na wala itong nakikitang rason para palawigin ang paghahain ng certificates of candidacy sa kabila namang naging matumal ang unang dalawang araw ng paghahain ng COCs. 

“Wala tayong nakikitang extension sa ngayon, pero sa Wednesday pa naman ang last day and tingnan natin kung anong mangyayare,” sabi ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang panayam sa Radyo Inquirer 990 AM.

“Medyo matumal iyong last two days, malakas yung first day pero noong Friday medyo umonti iyong filers,” dagdag ni Jimenez. 

Idinagdag ni Jimenez na nakapagtala ang Comelec ng 37 naghain ng pagka-senador at 30 partylist groups sa unang dalawang araw ng pagsasampa ng COC para sa May 2019 midterm elections.

Sinabi ni Jimenez na inaasahang darami pa ang maghahain ng COC habang papalapit na ang pagtatapos ng paghahain ng kandidatura. 

“We expect na sa darating na linggo, Monday, Tuesday, Wednesday ay magdadagsaan po iyan,” ayon pa Jimenez.

Sinabi ni Jimenez na inaaaahang mailalabas ang pinal na listahan ng mga kandidato sa Disyembre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending