Jinggoy kay JV: Estrada ako, because I am my father’s son! | Bandera

Jinggoy kay JV: Estrada ako, because I am my father’s son!

Cristy Fermin - October 14, 2018 - 12:40 AM

JV EJERCITO AT JINGGOY ESTRADA

Mabuti naman at napag-isip-isip ni Senator JV Ejercito na tantanan na ang pakikipag-away sa kanyang kapatid na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Naamoy na siguro ng senador ang hindi kagandahang imaheng ipinipinta tungkol sa kanya ngayon ng ating mga kababayan. Pa-ringgan ba ang kanyang ka-patid sa mga interbyu?

Sabihin ba naman nitong masamang-masama ang kanyang loob kay Pangulong-Mayor Joseph Estrada dahil hindi na nga raw ito tumulong sa kanyang kandidatura nu’ng nakaraang eleksiyon ay pumayag pa ang kanyang tatay na sabay silang kumandidato sa darating na halalan sa ilalim ng isang partido lang?

Agarang nakatikim ng mga pamba-bash ang may kaangasang senador, sinabihan itong walang utang na loob ng ating mga kababayan, dahil sa pangalang-pangalan pa nga lang namang dinadala nito ay napakalaking tulong na sa kanyang kampanya ng dating pangulo.

Suwabe lang naman ang reaksiyon ni dating Senador Jinggoy sa mga iniaangal ng kanyang kapatid sa ama. Mas mahalaga para sa senador ang pag-iikot sa buong bansa kesa sa sagutin pa ang mga reklamo ng kanyang kapatid.

Sa reklamo ni Senator JV na Ejercito ang gamit nito at hindi Estrada ay isa lang ang makahulugang sagot ni Senador Jinggoy, “Estrada na ang ginagamit ko mula pa nu’ng tumakbo akong vice-mayor. Estrada na talaga, because I am my father’s son!”

Estrada na rin daw ang gagamitin ngayon ni Senator JV na lumipat na ng partido. Pero wala pa rin itong bentahe sa kanyang kapatid dahil “inampon” ng iba-ibang partido si Senador Jinggoy Estrada, mataas ang kanyang numero sa survey, kumpara sa maangal na senador na sabi nga ng aming partner na si Wendell Alvarez sa “CFM” ay nasa page 2.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending