Female star na galing sa showbiz family malaki ang TF sa pagiging 'escort girl' | Bandera

Female star na galing sa showbiz family malaki ang TF sa pagiging ‘escort girl’

Cristy Fermin - October 13, 2018 - 12:05 AM

MAY iba-iba palang klasipikasyon ngayon ang mga babaeng tumatanggap ng trabaho bilang escort girl.

Hindi lahat ay puwedeng dalhin ng lalaki sa isang pribadong lugar kung saan sila puwedeng magpaalpas ng init ng kanilang katawan.

May ganu’n. Pero iba na ang kalakaran ngayon. Lalo na kung kilalang personalidad ang sangkot, puwede na rin ang date-date lang, pero may kakambal nang talent fee ‘yun.

Kuwento ng aming source na Boogie Wonderland (read: pimp, bugaling), “Ay, meron nang ibang uso ngayon ng pagiging escort girl. Walang sex, walang kahit ano, basta kailangan lang idispley ng guy ang babae sa matataong lugar.

“Alam mo ‘yun? Trophy lang ng guy ang girl, ipapasyal lang niya with matching holding hands, puwede rin ang akbay-akbay, pero hanggang du’n lang ‘yun!

“Puwede rin silang makita sa matataong lugar na kunwari, e, sweet sila, pero again, hanggang ganu’n lang ‘yun, wala nang sobra pa,” kuwento ng aming chikadorang Boogie Wonderland.

Nu’ng minsan ay nakita ang isang sexy actress sa casino na palaging nakatabi lang sa isang sugarol na high roller. Wala siyang ibang ginagawa kundi ang umorder lang ng lafang, nakabantay lang siya sa nagsusugal na lalaki, paganu’n-ganu’n lang siya.

“Escort girl siya, pumapayag siyang sumama sa guy na kunwari, e, wala lang! Kumakain sila nang sabay, palagi lang na nakatabi ang girl sa lalaki, hindi mo iisiping pagiging escort girl na ang ginagawa niya.

“Malinis ang krimen, di ba naman? Paano mo sasabihing escort girl ang sexy actress, samantalang hindi naman sila nakikitang naghahalikan man lang ng kasama niyang guy?

“Marami nang gumagawa ng ganu’n ngayon, ‘yung sexy actress na nakitang nakabantay sa isang milyonaryong guy habang nagsusugal, matagal na niyang ginagawa ang ganu’n.

“Sa pag-upo-upo nga lang naman niya na sagana pa siya sa food, kumikita siya nang malaki! Disimulado nga naman, walang mag-iisip na escort girl pala siya, dahil parang magkabarkada lang sila ng guy na binabantayan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Magaling ang sexy actress na ‘yun, ha? Walang kahirap-hirap, kumita siya agad nang ilangdaang libo, panalo ang drama niya, walang sabit! Kilalang-kilala ang girl, maganda siya, galing sa isang sikat na pamilya ng mga artista.

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, knows n’yo po siya. Opo, kilalang-kilala n’yo po siya. Opo,” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending