Cristine pinalayas ang asawa sa bahay?

By Bandera October 11,2018
share this

Cristine pinalayas ang asawa sa bahay?

By Bandera October 11,2018
share this

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI

MAS lalong umingay ang chika na naghiwalay na nga sina Cristine Reyes at Ali Khatibi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang mag-asawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang pagsasama.

Pero kahapon, mas marami na ang naniwala na nagkanya-kanya na ng landas ang dalawa matapos ibalik ni Cristine sa kanyang pangalan ang handle name sa lahat ng kanyang social media accounts.

Sa Instagram, ginawa na niyang @cristinereyesss ang kanyang username mula sa @mrscristinekhatibi. Dahil dito, maraming followers ng aktres ang nagsabing totoo nga sigurong nag-break na sila ni Ali. Hindi raw ibabalik ni Cristine ang kanyang maiden name sa IG kung wala silang problema ng asawa.

Ayon sa tsismis, pinaalis daw ni Cristine si Ali sa kanilang bahay early this year dahil hanggang ngayon daw ay wala itong regular na trabaho. Pero kapag natatanong ang akres tungkol dito, deadma lang siya.
Sa IG ni Cristine, wala na silang mga litrato ni Ali na magkasama. May isang video roon (posted last Frb. 8) kung saan makikita si Ali na nakikipaglaro sa anak nilang si Amarah.

Samantala, wala rin inilalabas na official statement si Ali tungkol sa diumano’y paghihiwalay nila ni Cristine kaya hanggang ngayon ay puro espekulasyon lang ang naglalabasan. Baka naman tina-try pa rin nilang ayusin ang kanilang relasyon para na rin sa kanilang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending