Romnick, Harlene bigla na lang nawala ang pag-ibig sa isa't isa | Bandera

Romnick, Harlene bigla na lang nawala ang pag-ibig sa isa’t isa

Reggee Bonoan |October 07,2018
facebook
share this

Romnick, Harlene bigla na lang nawala ang pag-ibig sa isa’t isa

Reggee Bonoan - October 07, 2018 - 12:15 AM

ROMNICK SARMENTA AT HARLENE BAUTISTA

FINALLY, inamin na ng mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na hiwalay na sila pagkalipas ng 19 taong pagsasama.

Base sa kanilang joint statement kung anuman ang binanggit nila sa sulat ay hanggang doon na lang ang maise-share nila sa publikoat hindi na sila magbibigay pa ng anumang pahayag alang-alang na rin sa mga anak nila.

Matagal na naming alam na hiwalay na sina Romnick at Harlene at kung hindi kami nagkakamali, first quarter of 2018 pa, pero dahil nakiusap ang taong nakakaalam ng tunay na sitwasyon ng mag-asawa ay hindi namin ito isinulat.

Sa ilang presscon na dinaluhan naming naroon si Romnick ay gustung-gusto na namin siyang tanungin pero hindi namin nagawa bilang respeto na rin sa aktor.

Sa isang event, kinumusta ng ilang press ang kanyang pamilya at masaya naman niyang sinagot ito ng, “Okay naman kami, masaya with our kids.”

Ipinagmamalaki pa nga ni Romnick ang mga anak nila ni Harlene dahil mababait at masunurin.

Kaya sa puntong iyon bossing Ervin ay hindi na namin nagawang itanong pa ang tungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.

Pero natanong namin siya kung bakit bigla siyang tumanggap ng kontrabida role sa seryeng Halik gayung nabanggit niya sa pa-birthday presscon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa entertainment press na na ayaw niyang magkontrabida dahil ayaw niyang mapanood ito ng mga anak niya.

Marahil ay hindi na nagawang ayusin pa nina Romnick at Harlene ang issues nilang mag-asawa kaya tumanggap siya ng project para may pagkaabalahan.

Nasasayangan lang kami sa 19 years nilang relasyon. Ano nga kaya ang nangyari? Wala naman daw third party involved? Bigla na lang ba silang na-fall out of love ba sila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending