Mocha Uson pa-victim ang drama; may banta sa mga magnanakaw na politiko
Parang dragon sa sobrang galit ngayon si Mocha Uson. Mula nu’ng araw na mag-resign siya bilang assistant secretary ng PCOO ay inuupak-upakan niya na ang mga pulitikong hindi niya kaalyado.
Talagang nakasentro ngayon ang kanyang panahon sa pagbira sa mga lingkod-bayan na para sa kanya’y trapo, nagnanakaw ng pera sa kaban ng yaman ng pamahalaan, siya ang parang nagme-menopause sa kanyang asta ngayon.
Ang akala ng mga kababayan natin ay mapuputol na ang kayabangan ni Mocha nang mawala siya sa posisyon, pero tulad ng kanyang pangako, papangalanan niya ang mga pulitikong hindi dapat iposisyon sa darating na eleksiyon ng mga Pinoy.
Kung makatawag siya ng komunista sa mga grupong prinsipyado at nakikipaglaban para sa karapatan ng ating mga kababayan ay sobrang wagas na wagas.
At pa-victim pa ang dating sexy dancer na sumobra ang laki ng ulo at tiwala sa kanyang sarili nang makahawak na siya sa laylayan ng pantalon ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Siya na kuno ang magsasakripisyo para lang hindi ipitin ng mga kongresista ang taunang budget ng ahensiyang kinabibilangan niya.
Pero mas marami ang naniniwala na hindi boluntaryo ang kanyang pagbibitiw, may malalaking taong nagpa-resign sa kanya, dahil sa halip na makatulong si Mocha Uson sa ating gobyerno ay isang napakalaking kahihiyan pa nga siyang maituturing dahil sa mga fake news at kalokohang ginagawa niya.
Isa lang ang komento ng kaibigan naming propesor sa nagaganap ngayon kay Mocha Uson, “Mukha mo!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.