Magnitude 4.4 yumanig sa Compostella Valley
Leifbilly Begas - Bandera October 04, 2018 - 03:08 PM
NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 4.4 ang Compostela Valley kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-5:44 ng umaga.
Ang epicenter nito ng lindol ay anim na kilometro sa silangan ng Pantukan. May lalim itong 27 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate ng lugar.
Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa bayan ng Pantukan at Maco. Intensity II naman sa bayan ng Mabini, at Davao City. Intensity I naman sa Kidapawan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending