Krusyal na panalo habol ng Altas, Blazers | Bandera

Krusyal na panalo habol ng Altas, Blazers

Angelito Oredo - October 04, 2018 - 12:15 AM

Mga Laro Ngayon (Oct. 4)
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. San Sebastian vs Perpetual Help
4 p.m. San Beda vs St. Benilde
Team Standings: Lyceum (14-1); San Beda (13-1); Letran (10-4); Perpetual Help (9-5); St. Benilde (8-6); Arellano U (4-10); San Sebastian (4-10); Mapua (4-11); EAC (4-11); JRU (2-13)

MAKUBRA ang krusyal na panalo ang hangad ngayon ng season host University of Perpetual Help Altas at College of St. Benilde Blazers sa pagsagupa sa magkahiwalay na katunggali sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Hangad ng Altas na mapanatili ang kapit sa ikaapat na puwesto sa pagharap nito sa San Sebastian College Stags dakong alas-2 ng hapon habang makakasagupa naman ng Blazers ang defending champion San Beda University Red Lions ganap na alas-4 ng hapon.

Pasok na ang Red Lions sa semifinals at napag-iwanan lang ng isang panalo sa likod ng solo leader Lyceum of the Philippines University Pirates. Kung magwawagi ang San Beda ngayon kontra St. Benilde ay makikisalo silang muli sa liderato.

Ang huling dalawang silya sa Final Four ay pinag-aagawan naman ng Letran Knights, Altas at Blazers.

Ang Blazers ay magmumula naman sa nakakadismayang pagkatalo sa kamay ng Emilio Aguinaldo College Generals, 67-69.

Ang pagkatalo ng Blazers ay nakatulong sa Altas na tinambakan ang Mapua Cardinals, 88-71, para maiangat ang kanilang  record sa 9-5.

Manggagaling naman ang Red Lions sa pagwawagi kontra Stags, 82-75, para mapanatili ang kapit sa ikalawang puwesto sa tangang 13-1 kartada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending