San Sebastian, Perpetual, St. Benilde makikisalo sa top spot | Bandera

San Sebastian, Perpetual, St. Benilde makikisalo sa top spot

Melvin Sarangay |July 15,2019
facebook
share this

San Sebastian, Perpetual, St. Benilde makikisalo sa top spot

Melvin Sarangay - July 15, 2019 - 08:22 PM


Mga Laro Martes (Hulyo 16)
(Filoil Flying V Centre)
12 n.n. Letran vs JRU
2 p.m. Mapua vs San Sebastian
4 p.m. Perpetual Help vs St. Benilde
Team Standings: San Beda (2-0); St. Benilde (1-0); Perpetual (1-0); San Sebastian (1-0); Lyceum (1-1); Letran (1-1); EAC (1-1); Mapua (0-1); Arellano (0-2); JRU (0-2)

MAKASALO sa itaas ang solo lider na San Beda University Red Lions ang asinta ng San Sebastian College Stags, University of Perpetual Help System Dalta Altas at College of St. Benilde Blazers sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 men’s basketball tournament Martes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Mauuna ang Stags sa pagpuntirya ng ikalawang sunod na panalo kontra Mapua University Cardinals ganap na alas-2 ng hapon.

Habol din ng Altas at Blazers ang 2-0 kartada sa kanilang salpukan dakong alas-4 ng hapon.

Sa unang laro, tutumbukin ng Letran College Knights ang ikalawang sunod na panalo matapos ang season-opening na pagkatalo kontra Lyceum of the Philippines University Pirates sa pagsagupa sa Jose Rizal University Heavy Bombers dakong alas-12 ng tanghali.

Umaasa naman si San Sebastian head coach Egay Macaraya na maipagpapatuloy ng Stags ang mahusay na paglalaro matapos itala ang season-opening 82-51 pagwawagi kontra Heavy Bombers noong isang linggo.

Aasahan naman muli ni Macaraya si RK Ilagan para pamunuan ang opensa ng Stags katuwang ang nagbabalik na si Allyn Bulanadi.

Bagamat wala na si Season 94 Most Valuable Player Prince Eze sa Altas nasandalan ni Perpetual mentor Frankie Lim si Edgar Charcos para maungusan nila ang Cardinals, 80-78, sa kanilang season-opener noong nakaraang linggo.

Kailangan naman ng Perpetual na mapunan ang pagkawala ni Eze dahil hindi naman kakayanin ito na mag-isa ni Charcos.

Magpipilit naman ang Blazers na masundan ang 69-66 panalo kontra Emilio Aguinaldo College Generals sa paghaharap nila ng Altas.

Sasandigan ni St. Benilde coach TY Tang sina Justin Gutang at Jimboy Pasturan para pangunahan ang Blazers habang hinihintay ang pagbabalik ng mga injured starters na sina Clement Leutcheu at Yankie Haruna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending