San Beda Red Lions nakahirit ng winner-take-all Game 3 | Bandera

San Beda Red Lions nakahirit ng winner-take-all Game 3

Melvin Sarangay - November 15, 2019 - 09:34 PM

Laro sa Martes
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. San Beda vs Letran
(Game 3, best-of-three Finals series)

NATAKASAN ng San Beda University Red Lions ang Letran College Knights, 79-76, Biyernes ng hapon para makapuwersa ng winner-take-all Game 3 sa kanilang NCAA Season 95 men’s basketball finals series.

Sinandalan ng Red Lions si season MVP Calvin Oftana, na tinapos ang laban na may 17 puntos, 11 rebound at dalawang block, na kumana ng three-point play may 19.1 segundo ang nalalabi sa laro para maagaw ng San Beda ang kalamangan, 77-76.

May pagkakataon sana ang Knights na tapusin ang serye at iuwi ang korona subalit sumablay ang layup ni Bonbon Batiller mula sa pasa ni Jerrick Balanza.

Sinelyuhan ni James Canlas ang panalo ng Red Lions sa paghulog ng dalawang free throw sa naging dikdikan na Game 2.

Ang winner-take-all Game 3 gaganapin sa Martes ganap na alas-4 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naiwasan din ng San Beda ang sinapit ng 2017 Lyceum of the Philippines University Pirates na nabigong mauwi ang korona matapos magtala ng 18-0 elimination round sweep. Nagkaroon din ng pagkakataon ang Red Lions na masungkit ang ikaapat na diretsong korona at kabuuang ika-23rd titulo sa liga.

Pipilitin naman ng Letran na makabawi buhat sa masakit na kabiguan para mauwi ang kanilang ika-18 na championship banner sa darating na Martes.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending