Ultra Lotto 6/58 aabot na sa P.9-B

By Leifbilly Begas October 03,2018
share this

Ultra Lotto 6/58 aabot na sa P.9-B

By Leifbilly Begas October 03,2018
share this

PALAPIT na sa P.9 bilyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola sa Biyernes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 30-41-53-04-02-54 sa bola Martes ng gabi. Umabot sa P849.5 milyon ang jackpot prize sa huling bola.

Nanalo naman ng tig-P280,000 ang 31 mananaya na nakalimang numero. Tig-P3,160 naman ang 2,545 mananaya na nakaapat na numero at nanalo ng P20 ang 76,690 mananaya na nakatatlong numero.

Wala pang tumatama sa jackpot prize ng Ultra Lotto mula noong Pebrero 18.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo. Nagkakahalaga ng P24 ang taya sa bawat anim na numerong kombinasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending