INIHAYAG ni Special Assistant Secretary to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na tinanggap na ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.
“Nirerespeto po naman ang kanyang pagre-resign at nagpapasalamat rin kami kay Asec. Mocha sa kanyang naging serbisyo po sa gobyernong Duterte. Naging good ally po siya,” sabi ni Go.
Idinagdag ni Go na Martes nang natanggap ni Duterte ang resignation letter ni Uson.
Maraming beses na pinanawagan ang pagbibitiw ni Uson dahil naman sa iba’t ibang kontrobersiyang kinasasangkutan, kabilang na ang “Pepedederalismo” video at ang sign language video kasama ang isa pang kontrobersiyal na blogger na si Drew Olivar.
Inihayag ni Uson ang kanyang pagbibitiw dahil sa planong pagtakbo sa Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.