Ex-sexy star nilayuan ng mga kaibigan nang makulong dahil sa droga | Bandera

Ex-sexy star nilayuan ng mga kaibigan nang makulong dahil sa droga

Cristy Fermin - October 01, 2018 - 12:15 AM


MALUNGKOT siyempre ang isang dating nagpapaseksing female personality dahil nang malagay siya sa indulto ay biglang nagkawalaan na rin ang mga iti-nuturing niyang kaibigang artista.

Dati’y palagi siyang pi-nupuntahan ng mga ito para manghingi ng tulong dahil kahit paano’y nakaluluwag naman sa buhay ang kanyang pamilya. Hindi siya nagdamot, sa maliit niyang paraan ay tumutulong siya, pero nang siya na ang malagay sa hindi magandang sitwasyon ay hindi niya nakita kahit ang mga anino lang ng mga kaibigan niya.

Kuwento ng aming source, “Abang daw siya nang abang nu’n na dumalaw sa kanya ang mga friends niya, pero mabibilang niya sa daliri ang nag-effort na puntahan siya. Iilan lang ang nakaalala sa kanya.

“Nu’ng maganda pa raw ang buhay niya dahil kumikita siya nang maayos, e, pala-ging nakasiksik sa kanya ang mga taong ‘yun, mga boar-ders na nga kung tawagin niya ang mga friends niya, dahil halos sa kanila na nakatira ang mga ‘yun.

“Pero nu’ng ma-Julie Andrews (read: mahuli) siya dahil sa pakikipag-close niya kay Sharon Stone (read: shabu), kahit anino lang ng mga inaasahan niyang nagmamahal sa kanya, e, wala!” simulang kuwento ng aming source.

Ang mga naglaan pa raw ng panahong dalawin siya ay mga taong hindi niya natulungan, mga kasamahan niyang artistang hindi niya binulabog kahit minsan tungkol sa pera, ang mga ‘yun pa raw ang nakaalala sa kanya.

“Tulad ng isang sexy star na kaibigan niya na nu’ng matindi na ang paggamit niya ng droga, e, palagi niyang inaabala. ‘Yun pa ang nagpupunta sa kanya na may mga dala-dalang food.

“’Yung sexy star ding ‘yun ang palaging nagbibigay sa kanya ng pag-asa, samantalang ang mga inaasahan niyang dadalaw sa kanya, e, wala talaga!

“Madala na sana siya, nakapulot na sana siya ng leksiyon sa nangyari sa buhay niya, huwag na talaga niyang kaibiganin si Sharon Stone para umayos na ang buhay niya!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, Spell M pa naman ang name niya, kaya siguradong hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending