Bakit mas pinili ni Coco na walang ka-date sa 2018 ABS-CBN Ball?
SOLO ring rumampa si Coco Martin sa first ever ABS-CBN Ball last Saturday. Hindi naman daw mahalaga kung may ka-date o wala ang isang Kapa-milya celebrity sa mga ganu’ng uri ng okasyon.
Ayon kay Coco, unang-unang rason ng pagpunta niya roon ay para makatulong sa Bantay Bata 163 at ABS-CBN Foundation na siyang beneficiary ng nasabing event.
“Masaya ako kasi may purpose yung ball. Hindi lang para mag-gathering kami o magkaroon kami ng bonding, or para sa glamour or mapakita kung ano yung magagandang damit. Ito kasi may purpose, kumbaga maganda yung hangarin ng ABS-CBN para magtulungan para sa ating kabataan. Sana makatulong kaming mga artista sa mga kabataan,” aniya sa panayam ng media bago magsimula ang benefit ball.
Nang matanong nga tungkol sa pagdating niya nang mag-isa, “Alam n’yo naman ‘pag ganito kadalasan kasama ko yung mga co-actors ko sa Ang Probinsyano. Yung sa amin ni Yassi (Pressnan) actually nakakatuwa para sa amin talaga na yung mga tao natutuwa sila lalong lalo na sa character ni Alyanna atsaka si Cardo.
“Nakaka-proud kasi talaga namang pinaghihirapan at pinagtatrabahuan namin yun. Pero as Yassi and as Coco talaga namang magkakaibigan kaming lahat at talagang nagmamahalan kami,” aniya pa.
Kinumusta rin sa award-winning actor ang tungkol sa pamimigay niya ng kotse at cash prize sa pa-party ng Ang Probinsyano para sa kanilang third anniversary, “Kasi yun yung bilang pasasalamat ko sa lahat ng mga nakatrabaho ko sa tatlong taon. Kasi nga sobrang hirap ng paggawa ng Ang Probinsyano. Kaso nakita niyo naman action, drama.
“Yun naman ay pagbibigay tanaw sa lahat ng paghihirap na ibinigay nila sa amin kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanila. Actually lahat kaming mga artista. At saka very tight, talagang pamilyang pamilya ang turingan namin dun sa isa’t isa,” chika pa ng binata.
Siyempre, hindi rin nakaligtas si Coco sa tanong kung kumusta na sila ng kanyang rumored girlfriend na si Julia Montes, paiwas sa sagot nito, Si Julia mabait naman. Maayos naman si Jules.
“Hindi lang kami nagkikita kasi nga dahil hindi kami magkasama sa work pero maayos na maayos naman lahat. Siyempre nakakatuwa kasi marami din kaming mga pinagsamahan na project ni Julia.
“Pero alam naman natin na lahat kami alam naman namon yung gusto namin mangyari na mag-focus muna sa trabaho kasi ang mga kabataan ngayon honestly pinaghahandaan n’yo yung future, hindi pangsarili ha. Siyempre una, pinaghahandaan muna namin yung para sa family namin. And at the same time yung para sa amin rin,” paliwanag pa ng Teleserye King.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.