Alden uminom ng patis sa ‘Spit or Swallow’ Challenge; Will Dasovich nasuka | Bandera

Alden uminom ng patis sa ‘Spit or Swallow’ Challenge; Will Dasovich nasuka

Jun Nardo - September 30, 2018 - 12:35 AM

WILL DASOVICH AT ALDEN RICHARDS

NAPANOOD namin ang first part ng video collaboration ni Alden Richards at ng vlogger na si Will Dasovich, ang Spit or Swallow Challenge sa YouTube Channel ng GMA 7.

Sa unang challenge, dalawang maliit na baso ang nasa harap nina Alden at Will na may lamang patis at iced tea.

Eh, sey ni Will hate na hate niya ang patis tulad din ng takot niya sa daga! Si Alden, walang isyu kung patis o iced tea ang mainom niya dahil nasanay na siya sa mga ganu’ng challenge sa noontime show na Eat Bulaga.

Suwerteng napunta kay Will ang iced tea kaya walang naging problema sa kanyang pag-inom. Eh, sisiw din sa Pambansang Bae ang pag-shot sa patis kaya pasok siya Swallow Challenge!

Kaso umiral ang kalokohan ni Alden at hinamon si Will na tikman ang patis! Naging sunud-sunuran naman ang vlogger pero tila parang nasuka siya!

Kaya isang plastic na basurahan ang ipinansahod ni Alden sa suka ni Will at saka pinunasan ang laway nito, huh!

Bulalas ni Will, “O, Jako (de Leon) tagumpay tayo na punasan ni Alden ang laway ko!”

Si Jako ay anak ni Joey de Leon at kaibigan ni Will na tumulong sa kanya upang matupad ang dream niyang makagawa sila ng blog ng EB Dabarkads.

Ang kasunod nilang challenge ay ang pag- inom ng hot sauce vs tomato sauce, at toyo vs soda. Sa totoo lang kaaliw ang Spit or Swallow Challenge nina Alden at Will na umabot na sa milyon ang views, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending