Maarteng female singer gusto nang upakan ng mga kasamahang performer
MAY kumukuha pa rin naman paminsan-minsan sa isang female singer para sa mga provincial shows. Hindi pa naman siya La Ocean Deep, nagso-show pa rin naman siya, kaya nga lang ay sentro siya ng kalokahan ng mga show promoters.
Marami kasi siyang reklamo, kung anu-ano ang kanyang hinahanap, wala siyang pakialam kung liblib na lugar man ang kanyang pinupuntahan.
Hotel ang una niyang itinatanong sa magdadala sa kanya, kailangang kumpletos rekados ‘yun, may wi-fi at kailangang malakas ang signal sa lugar.
Kuwento ng aming source, “Ano ba namang makisama at manahimik na lang muna siya, tutal naman, e, isang magdamag lang siyang nandu’n dahil isang gabi lang naman ang show.
“Ang ibang mga kasamahan nga niya, e, walang pakialam, kesehodang walang signal, naiintindihan nila na baryo ang pinuntahan nila.
“Pero ang hitad na ito, kung anu-ano ang hinihingi sa show promoter, mga imposible na nga ang iba, kaya sakit ng ulo ang hatid niya sa mga kumukuha ng serbisyo niya!” naiinis na chika ng aming impormante.
At kapag main event na ay mas nag-iinarte ang female singer, aircon naman ang hinahanap niya sa backstage, samantalang alam niya naman na walang ganu’n kabonggang lugar sa malalayong probinsiya.
“Ayun, para lang mapagbigyan ang mga kaartehan niya, e, sa kanya na lang nakatutok ang mga bentilador sa backstage, wala nang pinakikinabangan ang ibang mga kasamahan niyang performers, hindi na lang nagpapahalata ang ibang singers, pero gusto na siyang upakan ng mga ‘yun!
“Siya raw ang finale dahil siya ang pinakasikat. Pero kapag naiinip siya, e, nagpapasalang na rin siya agad. Kung makaporma siya, e, parang five-star hotel auditorium ang venue, kuntodo naka-gown pa siya na magsa-santacruzan.
“Paano nga siya hindi maiinitan, e, napakakapal ng tela ng gown niya? Kaya palagi siyang first time-last time sa mga show promoters, hindi na siya nakakaulit pa dahil sa problemang ibinibigay niya!
“Anak ng Pasig naman talaga ang kaartehan ng babaeng ‘yun! Ang sarap niyang ihagis sa bundok ng basura!” napapailing pang chika ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, naman, alam na alam n’yo na kung sino ang maarteng female performer na itey!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.